Siya

Isang araw sa aking buhay dumating ang isang lalaking nagngangalang Larlet, nung una natatawa ako sa pangalan niya dahil pangbabae ito, nagkakilala kami dahil inintroduce siya ng isang bagong kapatid naman sa church. Busy ako nun sa paghahanda sa nalalapit kong board exam, at minsan lang din ako makadalo sa lingguhan naming sambahan, pero nung linggo ding iyun kinausap ako ng aming pastro na siyang malapit talaga sa akin at kung ituring ko ng aking pangalawang tatay, ika niya Anak nagtext ang tito fernan mo at may nais sa iyong magpakilala na isa rin namang seaman, nabigla ako nung, di ko alam aking sasabihin, ngunit sa mga panahong iyon hindi na ako tumanggi dahil sa aking puso sa plagay ko panahon na rin naman para maging bukas ako sa mga ganitong bagay,. May rule kasi kami sa church namin, na talaga namang isinapuso namin mga core o leader na mga kabataan sa church, na huwag munag magkakasintahan hanggat hindi pa kami natatapos sa pag-aaral. Kaya nga ng makagradweyt na kami, nandun na rin ang blessing samin ng aming mga leader na iexplore ang posibilidad na makahanap ng amkakasama sa buhay. Sa madaling salita ibinigay ko ang aking email address at number sa asawa ni tito fernan. Hindi nga nagtagal, at nakatanggap ako ng email mula sa kaniya.
Nung mga panahong iyon, palagay ko'y nangungulila talga ako sa mga malalapit kong kaibigan sa church, lalo na sa aming lider na hinahangaan ko talga. Nagsimula na rin akong manalangin kay God ng makakapareha ko sa buhay. Yung unang ipinanalangin ko ay naging mabilis naman ang kasagutan ni god, na hindi talga para sa akin ang lalaking iyon. Kaya patuloy a1kong nanalangin. Sa hindi naman na inaasahang pagkakataon ay dumating nga ang isang lalaki s katauhan ni Larlet. Isa sa mga nais ko na mapangasawa ay yung mas matanda sakin, kaya nga hindi na rin ako nagulat ng sinabi nilang ang edad ng lalaking ito, imbis na madismaya, lalo ako naendourage na bigyan ng pagkakataon ang isang tulad niya sa buhay ko.
July 19 ng una siyang mag-email, sumunod non ay kinuha niya ang aking cellphone no. at tinawagan ako, nakakatuwa siyang kausap, puno ng buhay at puno ng pangarap, kaya madaling naging maagan ang pakikitungo ko sa kaniya. Napuno ng saya at liwanag ang aking buhay. Ng makit ko siya sa fb, nakita ko na may itsura naman ang lalaking ito, actually ang nilagay niyang pic dun ay nung bata pa siya, ako nga wala akong fb nun, ginagamit ko lang yung pagmaglalaro lang ako ng farmville, yung ang usong uso nun kasi, di ko alam na maging kilala pa ang fb lalo dahil sa interaksyon ng mga indibidwal sa buong mundo.
Nagsimula kaming magtext at magtawagan, sa totoo lang hindi ako sanay na may nagtetext sakin ng mga sweet na mga bagay, kaya hindi ko talaga pinapansin ang mga ganung klaseng text, pero naguiguilty naman ako kapag hindi ako nagrereply dahil naiisip ko rin na mahal din ang gingastos niya para lang makatext o makatawag dito sa pilipinas. Parang magic pala ang lahat ng bagay, hindi ka mapakali, laging siya ang nasa isp mo, although naroon din ang mga katanungan na paano kung hindi niya ako magustuhan pag umuwi na siya, ano kayang magigigng reaksyon niya, o kaya namany magustuhan ko kaya siya? Pero sa kabila nito, naging sobrang excited ako sa pagdating niya, siya ay lalaking punong puno ng mga pangarap... na para bang kahit anung bagay kaya niyang suungin dahil may hinahawakan siyang mgandang bukas.
Nabibigla ako sa tuwing tatanungin niya kung puwede niya ba akong maging asawa sa pagdating ng panahon, sa totoo lang hindi ko inaasahan ang mga bagay na iyo, sa isip ko gusto ko muna siyang makilala ng maigi pa, pero sa ibang banda natutuwa ako na yung unang manliligaw sa iyo ay ang plano ay hindi paglaruan ka kundi pakasalan ka. And para saakin I treat that as really a blessing. Alam ni Larlet ang mga conviction ko sa buhay, madalas ko namang nababanggit yun pag nagkukwentuhan kami. Alam niya rin na mahal na mahal ko ang pagseserve kay God.
At yun nga ng dumating siya, parang magic uli, dahil lahat ay hindi naman ganun kaplanado, pero para bang nakahanap kami ng pagkakataon na makilala ang isa't isa. Masaya akong makita siya, hindi ako makapaniwala, di ko lam kung san ako kumuha ng tapang. Nakinig ako sa payo ni ate jen na pagtuunan ko ng pansin ang una naming pagkikita. At yun nga napaka-boyish ko pa nun, biro mo nakajeans at rubber shoes lang ako nun , pero buti nalang tapat ng sweldo at kahit papano nakabili ako maisusuot, at nakapagpaayus pa ako ng buhok. Natuwa ako sa naging takbo ng mga pangyayari, parang matagal na kaming magkakilala, mabilis na naging magaan ang aming kalooban sa isa't isa, at nasundan pa nga ang aming mga pagkikita at pagtatawagan.
Alam ko na maikling panahon lang ang inilagi niya dito sa pinas, pero para bang lahat ng bagay ay tumugma, nameet ko ang kanyang pamilya, ganun din siya nameet niya ang aking pamilya na para sa akin ay napakahalagang bagay dahil gusto kong makilala niya yung mga tao na pinahahalagahan ko at nakakakilalla talga sa akin, ganun din naman ako, ang pagpunta ko sa kanila ay talgang nagin memorable, napakaexpesyal ng pagtrato ng kanyang ina sa akin, biruin mo na hindi pa nga ako niya kilala ay niyakap na niya ako kagad, nakakatuwa talaga. Nameet ko rin ang kanilang pastor at ganun din naman nameet rin niya ang aking tatay pastor, na talaga namang nagpaligaya sa kin ng lubos dahil may blessing kami buhat sa kanila. Nandiyan ang mga payo nila.
Ng huling araw ay hindi nakapagbigay sa kaniya ng pangako na kami nga, pero hindi rin ako nakatiiss mga ilang buwan ang nakararaan, ibinigay ko ang matamis kong oo sa kaniya. Sobrang ligaya ko. Dahil siya una kong boyfriend. At k

